Ukol sa pagkuha ng katayuan ng paninirahan na ayon sa kakayahan, kaalaman at internasyonal na serbisyo

Ako po si Takashi Oka, isang immigration lawyer at and admin ng VISA de AI. Ipinaliwanag ko po ang pag-apply ng visa sa Japan.

Mga kinakailangan para sa mga teknikal, espesyalista sa Humanities, at internasyonal na serbisyo

Ang pagkontrata ng trabaho sa isang pampubliko o pribadong institusyon sa Japan na kaugnay sa mga larangan ng Science, Engineering, Natural Science, o sa larangan ng Law, Economics, Sociology at iba pang mga kaugnay ng Humanities ay nangangailangan na may kakayahan at kaalaman kaugnay ng mga ito o pagiging sensitibo batay sa kaisipan at kulturang banyaga.

Gaya ng inilarawan sa itaas, itinukoy ang mga kinakailangan para sa mga inhinyero, espesyalista sa Humanities, at internasyonal na serbisyo.

Sa partikular, kinakailangang matugunan ang lahat ng nakatalang 1 hanggang 3 ng Ministerial Ordinance on Landing Criteria (Ministerial Ordinance na nagtatakda ng pamantayan para sa Artikulo 7, Paragraph 1, Item 2 ng Immigration Control and Refugee Recognition Act).

Landing Standard Ordinance No. 1

Kapag ang isa ay nagnanais na makapagtrabaho sa larangan ng Natural Science o Humanities, kinakailangang may sapat na kakayahan at kaalaman ukol dito at naayon sa mga sumusunod na nakatala sa ibaba.

Kailangang nakapag tapos ng kurso sa kolehiyo at nag-major sa larangang nakatala sa itaas o may kaalaman at kakayahang katumbas nito.

Dapat na nakatapos ng kurso sa technical o vocational school ng Japan at kailangang kaugnay  sa teknolohiya o kaalaman na kinauukulan. Inaasahang may 10 taong o higit pang karanasan sa larangan nito ( kabilang ang mga taon kung kailan inaral ang kursong kaugnay sa teknolohiya o kaalaman sa isang unibersidad, kolehiyo, at iba pang mataas na edukasyon ).

Subalit, kapag ang aplikante ay nagnais na makapagtrabaho sa larangan ng Information Technology at nakapasa sa eksameng itinakda ng Ministro ng Batas o may lisensyang kaugnay sa larangang ito, hindi kinakailangan tupdin ang nakatakda.

Landing Standard Ordinance No. 2

Kapag ang aplikante ay nagnanais na makapagtrabaho na nangangailangan ng pag-iisip o pagiging sensitibo batay sa banyagang kultura, dapat  naayon ito sa mga sumusunod.

Kinakailangang may 3 taong karanasan sa mga sumusunod na propesyon:

pagsasalin, pagtuturo ng wika, public relations, advertising, trading, fashion design, interior design, product development at mga propesyong katulad ng mga ito. Sa kondisyon, gayunpaman, hindi ito naaangkop sa mga nagtapos sa unibersidad at nakikibahagi sa gawaing nauugnay sa pagsasalin, interpretasyon, o pagtuturo ng wika.

Landing Standard Ordinance No. 3

Makakatanggap ng sahod na katumbas o higit pa sa Japanese workers.

Sanggunian: Ministro ng Batas at Immigration

Mga pagsusuri sa Immigration para sa mga inhinyero, espesyalista sa mga humanities, at international business visa

Kapag ang aplikante ay nakatapos ng kolehiyo, hindi gaanong mahigpit ang paghusga ukol sa kung ano ang pinag major nito.

Kapag ang isa ay nagtapos ng kolehiyo o technical school ( kinakailangang may titulong “propesyonal”) Inaasahang ang isa ay may sapat na kaalaman at kakayahan ayon sa espesyalidad ng kanyang itinapos na kurso.

Ukol sa practical training na pinahihintulutan ayon sa  visa status

Kahit na ang aktibidades ay hindi nasa ilalim ng visa status, ito ay isinasagawa sa isang tiyak na panahon ng pagtatraining sa oras ng pag-hire, atbp., at ito ay bahagi ng praktikal na pagsasanay na katulad na isinasagawa para sa mga nagtapos ng kolehiyo sa Japan. Isinasaalang-alang ang mga aktibidades sa panahon ng pananatili sa kabuuan at malaki ang posibilidad na ang mga aktibidades na hindi sakop ng panahon ng pananatili ay tatanggapin.

Ano ang quotation gamit ng VISA de AI?

Sa VISA de AI, makakapaglabas ng quotation para sa pagkuha ng visa gamit ng inyong educational background at work experience.

Kapag mahina ang posibilidad ng aplikante na makakuha ng visa, kami ay tutulong para makumpleto ang mga dokumento na makakatulong sa pagpasok sa bansa.

VISA申請 最安値を取得して!
技術・人文知識・国際業務の在留資格取得にあたっての要件
JapanVisaforFilipino
JapanVisaforFilipino
最近の投稿